top of page

Dr. Jose P. Rizal

Tagapagtanggol ng Karapatang Pantao
         Mahigit isang daang taon na ang lumipas noong hatulan ng kamatayan at barilin sa Bagumbayan ang tinaguriang Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Gat Jose Rizal. Maikli man ang naging buhay nito, nanatili pa rin sa kamalayang Pilipino ang mga aral at mensaheng kanyang inilimbag sa pamamagitan ng kanyang mga akdang naging mahalagang instrumento sa pagkikipaglaban para sa kalayaan noong panahon ng mga Kastila.
 
         Bagamat maaring masabing tayo ay malaya mula sa pananakop ng mga dayuhan, hindi pa rin lubos ang kalayaang natatamasa ng bawat Pilipino. Marami ang sadlak sa kahirapan at nakakaranas ng mga panlabag sa kanilang mga karapatang pantao.
 
         Noong 2015, naging usap-usapan ang naging danas ng ating mga kapatid na Lumad. Mayo ng taong iyon, higit 700 na mga Lumad ang napalayas mula sa Talaingod, Davao del Norte. Ang isyung ito ang piniling bigyan ng panahon at pag-alayan ng pag-aaral ng aming grupo sapagkat bilang bahagi ng minority, ang boses ng mga Lumad ay hindi madalas nabibigyan ng pagkakataong umalingawngaw at gaya ng mga pang-aabuso ng mga Kastila noong panahon ni Rizal, malaking bahagi ng gulo at karahasan ay maaring maiugat sa lupa.
 
       Ito ang lalamanin ng website na ito - ang talaban ng mga kaisipan ni Rizal at ang isyu ng mga Lumad ng Mindanao na biktima ng mga paglabag at hindi pagkilala sa karapatang pantao lalo na bilang bahagi ng minority at upang mabigyan sila ng tinig sa kasalukuyang panahon kung saan ang mga indigenous people ay patuloy na nakararanas ng panunupil ng kanilang mga tinig.
bottom of page