top of page
rizalss1
rizalss2
joserizaljama
cover page
JoseRizal-1

Rizal at Karapatang Pantao

          Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba Laguna at sa edad na 35 ay binitay sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896.

 

          Sa loob ng 35 taon ng kanyang buhay, gaya rin ng maraming Pilipino, ay nakaranas si Rizal ng mga paglabag ng karapatang pantao at naging saksi sa maraming paglabag ng mga karapatang ito at pag-abuso sa kapangyarihan.

 

          Sa librong isinulat ni Austin Craig na naglalahad ng buhay ni Rizal, mahihimay natin ang mga pagkakataon na ipinaglaban ni Rizal ang karapatang pantao ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.

         “He asked the people to cooperate, pointing out that when they did not complain it was their own fault more than that of the government if they suffered injustice. Further, he showed the folly of exaggerated statements, and insisted upon a definite and moderate showing of such abuses as were unquestionably within the power of the authorities to relieve.”

 

         Sa insidente sa Kalamba kung saan tumaas ang pagsingil ng buwis ng mga panginoong may-lupa sa mga mamamayan doon, makikita kung paano kumilos si Rizal para ipaglaban ang kanilang karapatan. Nanguna siya at tinipon ang mga tao doon upang makiisa sa kanyang layunin na ipabatid sa gobyerno na hindi patas ang nangyayaring ito sa kanila. Sinabi rin niya na kung hindi sila kikilos para sa kanilang mga sarili, sila na ang may pagkukulang at hindi ang gobyerno. Sa pangyayaring ito, ipinapakita ni Rizal ang kagustuhan niyang mamulat ang mga tao upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at hindi magsawalang-bahala sa mga paglabag ng mga Kastila sa mga ito.

 

       “Rizal himself prepared the report, which is an excellent presentation of the grievances of the people of his town. It brings forward as special points in favor of the community their industriousness, their willingness to help themselves, their interest in education, and concludes with expressing confidence in the fairness of the government, pointing out the fact that they were risking the displeasure of their landlords by furnishing the information requested. The paper made a big stir, and its essential statements, like everything else in Rizal's writings, were never successfully challenged.”

 

          Sa puntong ito, gumawa si Rizal ng isang ulat kung saan nakasaad ang mga hinaing ng mga mamamayan sa Kalamba ukol sa mga hindi makatarungang pagturing sa kanila ng mga Kastila doon. Sa ulat na ito, binigyang diin ni Rizal ang interes ng mga mamamayan ng Kalamba upang mapabuti ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang kasipagan sa pagtatrabaho sa kanilang bayan at kanilang interes sa edukasyon. Dito rin ipinabatid ni Rizal ang kanilang paniniwala sa kakayahan ng gobyerno upang maging patas sa kanilang pamumuno sa Pilipinas noong panahong iyon. Mula rito, masasabi na ipinapahayag ni Rizal ang karapatan ng mga mamamayan roon sa pagkakaroon ng kabuhayan at pagkakataon na makapag-aral.

 

         “From the Philippines came news of a contemptible attempt to reach Rizal through his family-one of many similar petty persecutions. His sister Lucia's husband had died and the corpse was refused interment in consecrated ground, upon the pretext that the dead man, who had been exceptionally liberal to the church and was of unimpeachable character, had been negligent in his religious duties. Another individual with a notorious record of longer absence from confession died about the same time, and his funeral took place from the church without demur. The ugly feature about the refusal to bury Hervosa was that the telegram from the friar parish-priest to the Archbishop at Manila in asking instructions, was careful to mention that the deceased was a brother-in-law of Rizal. Doctor Rizal wrote a scorching article for La Solidaridad under the caption "An Outrage," and took the matter up with the Spanish Colonial Minister, then Becerra, a professed Liberal. But that weakling statesman, more liberal in words than in actions, did nothing.”

 

         Nagkaroon rin ng insidente noon kung saan ipinagkait ang maayos na libing sa asawa ng kapatid ni Rizal na si Lucia sa kadahilanang hindi nito tinutupad ang kanyang mga tungkulin sa simbahan. Dahil dito, sumulat si Rizal ng isang artikulo sa La Solidaridad na pinamagatang “An Outrage”. Ito rin ay ipinabatid sa isang Spanish Colonial Minister ngunit sa kasamaang-palad ay hindi naman nagawan ng aksyon. Bukod pa rito, marami pang inilathala si Rizal sa La Solidaridad na nagpapakita ng mga hindi kanais-nais na mga kaganapan sa Pilipinas.

bottom of page