Si Rizal sa Usapin ng mga Lumad
“Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon” (Rizal, 1889)
“[…]Ang mga tungkulin, ang mga buwis at ang mga abuloy ay nararagdagan, at hindi dahil doon ay nararagdagan din ang mga karapatan, ang mga katangian at ang mga kaluwagan, o napamamalagi ang mangilan-ngilang naipagkaloob na[…]” (127).
“Tunay ngang ang Kodigo Penal ay lumabas na parang isang patak na lunas sa madaling kapaitan, nguni’t ano ang katuturan ng lahat ng kodigo sa daigdig, kung dahil lamang sa isang lihim na suplong, mga kadahilanang walang kabuluhan, mga taksil at walang lagdang sumbong ay pinangingibang-bayan, ipinatatapon nang walang anumang pagsisiyasat, nang walang anumang paglilitis ang sinumang marangan na mamamayan?” (127).
“Ang Pilipinas, samakatuwid, ay alin sa dalawa: o magpatuloy na sakop ng Espanya, nguni’t may higit na mga karapatan at mga kaluwagan, o kaya’y magpahayag ng kanilang kasarinlan, pagkatapos na magbubo ng dugo at maduguan naman ang Espanya” (133).
Sa artikulong ito isiniwalat ni Jose Rizal ang pang-aabuso ng mga prayle sa mga indiyo noong panahon ng kanilang pananakop at kung paano sa kabila ng pakinabang sa mga likas na yaman ng bansa at pagyakap ng mga katutubo sa bagong pamamaraan ay pinaralisa ng kanilang kasakiman ang karapatang dapat sana ay natamasa ng ating mga kababayan.
Mga Liham ni Rizal
“…The book contains, then things that nobody in our country has spoken until the present. They are so delicate that they cannot be touched by any one. With reference to myself, I have attempted to do what nobody had wished to do. I have replied to the calumnies that for so many centuries have been heaped on us and our country. I have described the social condition, the life here, our beliefs, our hopes, our desires, under the cloak of religion has impoverished and brutalized us. I have distinguished true religion from the false, from the superstitious, from that which capitalizes the holy word in order to extract money, in order to make us believe absurdities of which Catholicism would blush if it would know them. I have lifted the curtain in order to show what is behind the deceitful and glittering words of our government. I have told our compatriots our defects, our vices, our culpable and cowardly complacency with the miseries over there…”
Jose Rizal
5 Marso 1887
“… The country should not expect honor and prosperity so long as the education of the child is defective, so long as the women who raise the children are enslaved and ignorant. Nothing can be drunk in a muddy and bitter fountain. No sweet fruit can be picked from a sour seed…”
Jose Rizal
1889
“… It seems to me a good idea to live as a republic as you do. We did the same thing. We had no other law but strict equality and justice…”
Jose Rizal
18 Hunyo 1889
“…The town of Dapitan is very good. I am in good terms with everyone. I live peacefully, but the town is very poor, very poor. Life in it is not unpleasant to me because it is isolated and lonesome; but I am very sorry to see so many things and not be able to remedy them, for there is no money or means to buy instruments and medicine…”
Jose Rizal
18 Disyembre 1894
Paliwanag
Kaugnayan sa mga Lumad
Sa liham na ito ni Rizal kanyang inilathala ang nilalaman ng kanyang akdang Noli Me Tangere. Dito niya ibinunyag na hindi kathang isip at nakaangkla sa katotohanan ang mga pinabulaanan niyang mga sitwasyon sa librong ito. Kabilang na dito ang mga paglapastangan sa karapatang pantao ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila. Ngunit kaakibat din dito ang pagiging bulag at ignorante ng ilan sa kanyang mga kababayan. Nilalayon niyang mamulat sila sa kanser na dinadanas ng lipunan.
Ang mensahe ng liham na ito ay para sa lahat ng mga kababaihang Pilipino. Isinulat niya ito bilang tugon sa mga kababaihan ng Malolos na nag petisyon upang makapagbukas ng paaralan para matuto sila ng wikang Kastila. Binigyang diin ni Rizal ang kahalagahan ng pagiging edukado ng bansa. Ito ang magiging susi sa pag-unlad. At sa kaniyang pagbatid ang kabataan ngunit lalo na ang mga ina ang siyang dapat magtaguyod nito, dahil sila ang pundasyon ng pag-aaruga sa pamilya at hindi launan ay sa sambayanan.
Ang liham na ito ay para kay Marcelo H. Del Pilar. Itinutukoy niya dito and balak na pagbuo ng grupong Circulo Hispano-Filipino, kung saan gustong makamit ni Rizal ang isang republika na ang tanging batas ay pagkakapantay-pantay at pagkakaroon ng hustisya.
Ang liham na ito ay para sa kaniyang kaibigan na si Jose Ma. Basa. Dito niya isinulat ang kalagayan niya sa Dapitan. Bagaman at siya ay kuntento sa kanyang buhay doon, napansin niya ang napakahirap na kalagayan ng bayan. Lalo na ang kakulangan sa mga kagamitan at serbisyong pangkalusugan.
Sinasalamin ng Noli Me Tangere ang kasalukuyang sitwasyon ng mga Lumad. Sila ay pilit na pinalayas mula sa kanilang lupang tinubuan. Ang mga likas yamang dapat ay tinatamasa ay pilit na ipinagkakait. Tulad lamang ito ng mga pasakit na dinaranas ng ilan sa mga tauhan ng Noli Me Tangere sa ilalim ng pangangamkam ng mga prayle. Ngunit higit sa lahat ay mapapansin ang kakulangan ng malasakit at pansin na sana ay binibigyang tuon ng mga kalahing Pilipino. Katulad na lang ng pagkatha ni Rizal sa Noli Me Tangere maimulat sana ng munting website na ito ang tunay na katotohanan ng sinasapit ng ating mga kababayang Lumad.
Kaakibat ng pagpapalayas sa kanilang tirahan at paninira sa kanilang paraan ng pamumuhay, winasak din ang kakarampot na mga paaralang mga Lumad mismo ang nagtaguyod. Dagdag na naman ito sa mga malinaw na kalapastanganan sa kanilang karapatang pantao. Batid ni Rizal ang importansya ng edukasyon, dahil ika nga sa kaniyang liham ito ang aahon sa atin mula sa pagiging mga alipin at ignorante. Ito ang daan upang makabangon ang ating bayan na bihag at hindi makapagtakda ng sariling kapalaran.
Ang dalawang konseptong ito na binigyang diin ay hindi tinatamasa ng mga Lumad. Madaming inosenteng biktima ang nakitil ang buhay dahil sa pananatili sa sariling lupain, isang karapatan na dapat naman talaga ay kanilang nakakamtan. Ang mga pagkamatay na ito ay hindi pa nabibigyang hustisya hanggang sa ngayon. Walang mainam na paglilitis sa mga salarin kahit pa man kumpirmado na ang kanilang identidad. Malinaw na may pagkiling sa pagtingin at ang mga Lumad ay ang mas mababang uri dahil sa kawalan ng suporta.
Liban sa isyu sa walang katarungang pagpapaslang, pagkamkam ng lupa, at pagpapataboy na nagdulot ng kawalan ng paaralan at edukasyon, isa pang isyu ang kakulangan sa medisina. Buhat sa pagpapalayas sa kanila at dahil sa wala silang permanenteng panunuluyan naging malaking isyu din ang naging bunga nito sa kanilang kalusugan. Wala sila halos kagamitang naisalba mula sa pagpapalayas sa kanilang lupain. Pangunahin na dito ay ang kawalan nila ng pagkukuhanan ng pagkain na nagkaroon ng masamang epekto sa katayuan ng kanilang kalusugan. Kinailangan pa nilang umasa sa mga donasyon dahil wala silang pera at kakayahan.
"La Liga Filipina" (Rizal, 1892)
Mga Layon:
1. Papag-isahin ang buong sangkapuluan sa isang katawang buo, malakas at magkakauri.
2. Pagtatangkilikan ng isa’t isa sa lahat ng kagipitan at pangangailangan.
3. Pagtatanggol laban sa lahat ng pandarahas at kawalang matuwid.
4. Pagpapaunlad ng pagtuturo, pagsasaka’t pangangalakal.
5. Pag-aaral at pagpapairal ng pagbabago.
Sa bahaging ito ng anotasyon nakalathala ang konstitusyon na nagsilbing panuntunan ng bawat kasapi ng La Liga Filipina at mababakas sa mga layunin ang pagsulong ng pantay-pantay na karapatan at direktang partisipasyon sa kilusang reporma na ihahain sa pamahalaan noon.
Mula sa mga liham, mga akda at maging sa pagtatag ng La Liga Filipina ni Rizal makikita na ang pag-unlad ay nakasalalay sa edukasyon ng bayan at isang bansang pantay-pantay at may hustisya ang nais makamit ni Rizal para sa bayan.
Sa kaso ng mga Lumad ng Mindanao, inalis sa kanila ang pagkakataong makapag-aral dahil sa pagsira sa mga paaralan, pagpatay sa mga guro at pagtanim ng takot sa kamalayan ng mga tao, lalo’t na ang mga kabataan na tinuturing ni Rizal na pag-asa ng bayan.
Ang pantay-pantay at may hustisyang bayan na nais kamtan ni Rizal ay hindi nakamit maging sa panahon ng demokrasya kung saan dapat ay nagkakaroon ng boses ang bawat mamamayan. Ngunit sa laban ng mga Lumad ng Mindanao, napagkaitan sila ng pantay na pagtrato at ang kanilang tinig ay pinahina ng karahasan at pang-aabusong kanilang naranasan sa paglaban sa kanilang lupa at sa kanilang mga karapatan. Ang hustisyang inaasam ni Rizal ay nanatiling isang malayong pangarap lalo na sa mga minority at indigenous people ng ating bayan
Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, gumamit si Rizal ng mga tauhang sumasalamin sa mga isyu ng bayan noong panahon ng mga Kastila gaya ni Sisa at ang mga anak nito. Naipakita niya na ang paglabag sa karapatang pantao ng mga mamamayan ay nagdudulot ng masidhing epekto sa kanilang buhay at maaring magresulta sa pagkawala ng kapayapaan sa bayan. Ang kawalang katarungan sa bayang mapanupil, isa sa mga solusyon ay malawakang rebolusyon subalit nangangailangan na ang bayan ay handa at mapanuri.
Mula sa Noli at El Fili, makikita ang iba’t ibang karapatang isinusulong ni Rizal para sa mga mamamayan ng bansa na hindi na ipadama ng Espanya.
Mga Karapatang Isinulong ni Rizal
-
Karapatan na magkaroon ng maayos na libing at pagtanggap ng Simbahang Katoliko
-
Karapatan sa pagkakaroon ng representasyon at hustisya sa harap ng hukuman at batas (Art. III, Sek. 11 ng 1987 Konstitusyon: Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman at sa mga kalupunang mala-panghukuman at sa sapat na tulong pambatas nang dahil sa karalitaan. Art. III, Sek. 12 ng 1986 Konstitusyon: Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat magkaroon ng karapatang mapatalastasan ng kanyang karapatang magsawalang-kibo at magkaroon ng abogadong may sapat na kakayahan at malaya na lalong kanais-nais kung siya ang maypili. Kung hindi niya makakayanan ang paglilingkod ng abogado, kinakailangang pagkalooban siya ng isa. Hindi maiuurong ang mga karapatang ito maliban kung nakasulat at sa harap ng abogado.)
-
Karapatang ekonomiko: makibahagi sa kalakalan (Art. XIII, Sek. 3 ng 1987 Konstitusyon: Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga pagkakataon sa employment para sa lahat.)
-
Kalayaan sa pamamahayag (Art. III, Sek. 4 ng 1987 Konstitusyon: Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan)
-
Patas na pakikitungo at pagpapanatili ng moral na asal.
-
Karapataang magkaroon ng ari-arian (Art. III, Sek. 9 ng 1987 Konstitusyon: Ang pribadong ariarian ay hindi dapat kunin ukol sa gamit pambayan nang walang wastong kabayaran.)
-
Karapatang mailuklok at mamuno sa pamahalaan (Art II, Sek. 26 ng 1987 Konstitusyon: Dapat seguruhin ng Estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang pambayan, at ipagbawal ang mga dinastiyang politikal ayon sa maaaring ipagkahulugan ng batas.)
-
Karapatan ng mga kababaihan; proteksyon sa mga salot ng lipunan (Art. XIII, Sek. 14 ng 1987 Konstitusyon: Dapat pangalagaan ng Estado ang mga kababaihang nagtatrabaho sa pamamagitan ng paglalaan ng ligtas at nakapagpapalusog na mga kalagayan sa pagtatrabaho, na nagsasaalang-alang ng kanilang mga gawain bilang ina, at ng mga kaluwagan at mga pagkakataon na nagpapatingkad sa kanilang ikagagaling at ikagiginhawa upang matamo ang kanilang ganap na potensyal sa paglilingkod sa bansa.)
-
Karapatan sa pagtatamasa ng edukasyon (Art. XIV, Sek.1 ng 1987 Konstitusyon: Dapat pangalagaan at itaguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ng gayong edukasyon.)
-
Karapatang matulungan at humingi ng tulong mula sa pamahalaan ( pangkalusugan) (Art. XIII, Sek. 11 ng 1987 Konstitusyon: Dapat magsagawa ang Estado ng pinag-isa at komprehensibong lapit sa pagpapaunlad ng kalusugan na magbibigay ng mga pangunahing pangangailangan, mga lingkurang pangkalusugan at iba pang mga lingkurang panlipunan na makakayanan ng lahat ng mga mamamayan. Dapat magkaroon ng prayoriti para sa mga pangangailangan ng mahihirap na maysakit, matatanda, may-kapansanan, mga babae, at mga bata. Dapat sikapin ng Estado na makapagkaloob ng libreng panggagamot sa mga pulubi.
-
Mga panlipunang karapatan
-
Mga pangkalinangang karapatan
-
Ang karapatang makapaghanapbuhay
Ang mga karapatang ito na isinusulong ni Rizal sa pamagitan ng kanyang mga akda ay sumasang-ayon sa mga karapatang nailalahad sa Konstitusyon na lubos na makikita sa Artikulo III at XIII. Makikita rin mula sa mga karapatang maiinuha sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo na marami sa mga usapin gaya ng sa lupa ay laganap na noon pang panahon ng mga Kastila.
Gaya ng problema sa lupa noong panahon ng mga Kastila, patuloy ang mga usaping ito na makikita sa isyu ng mga Lumad. Dahil sa yaman ng lupain sa Mindanao, ang tinaguriang Land of Promise, maraming mga tao ang nagkakainteres rito na nagdudulot ng gulo at pagkaipit ng mga Lumad.
Nawalan ang mga Lumad ng karapatan sa kanilang mga ari-arian dahil sa pamimigay ng mga titulo sa ibang mga tao ng gobyerno. Bilang isang communal land, ang lupain ng mga Lumad ay para sa kanilang komunidad, ngunit sa paglaganap ng migrasyon at pagdating mga taga-labas, ang mga Lumad ay naalisan ng karapatan rito. Ang mga Lumad ay hindi pamilyar sa konsepto ng titulo dahil hindi nila ito kinailangan noon.
Isa rin sa problema, ayon kay Chito Gascon ng CHR, ay ang kawalan ng free, prior and informed consent. Dahil sa kawalan nito, ang mga opinyon at boses ng mga Lumad ay hindi naririnig at pinapakinggan sa usapin ng sarili nilang lupa.
Ang kanilang karapatan sa edukasyon na dapat sana’y pinangangalagaan ng estado kaya ng nakasaad sa Konstitusyon at isinusulong ni Rizal na magpapaunlad sa bayan, ay inalis sa mga Lumad sa pagkasira ng kanilang mga paaralan at pananakot sa mga guro.
Ang pantay-pantay at may hustisyang bayan na nais kamtan ni Rizal ay hindi nakamit maging sa panahon ng demokrasya kung saan dapat ay nagkakaroon ng boses ang bawat mamamayan. Ngunit sa laban ng mga Lumad ng Mindanao, napagkaitan sila ng pantay na pagtrato at ang kanilang tinig ay pinahina ng karahasan at pang-aabusong kanilang naranasan sa paglaban sa kanilang lupa at sa kanilang mga karapatan. Ang hustisyang inaasam ni Rizal ay nanatiling isang malayong pangarap lalo na sa mga minority at indigenous people ng ating bayan.