MGA NILALAMAN
ANG KARAPATANG PANTAO
Ayon sa chairperson ng Komisyon ng Karapatang Pantao (Commission on Human Rights) na si Chito Gascon, ang mga tao, sa simula pa lang ng panahon, ay naghahanap na ng pagkilala ng mga karapatang pantao ngunit ang pormal, opisyal, at legal na pagkilala sa karapatang pantao ay binuo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
“The horrors of World War I and World War II brought to bear the necessity of recognizing human rights if we were to survive as a civilization because of so much atrocities that were committed during...
RIZAL AT KARAPATANG PANTAO
Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba Laguna at sa edad na 35 ay binitay sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896.
Sa loob ng 35 taon ng kanyang buhay, gaya rin ng maraming Pilipino, ay nakaranas si Rizal ng mga paglabag ng karapatang pantao at naging saksi sa maraming paglabag ng mga karapatang ito at pag-abuso sa kapangyarihan.
Sa librong isinulat ni Austin Craig na naglalahad ng buhay ni Rizal, mahihimay natin ang mga pagkakataon na ipinaglaban ni Rizal ang karapatang pantao ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga...
MAKABAGONG ISYU
Noong nakaraang taon, naging usap-usapan ang mga Lumad ng Mindanao at ang kanilang karanasan sa kamay ng militar. Mayo 2015, higit 700 na mga Lumad ang napalayas mula sa Talaingod, Davao del Norte makaraang sakupin ng mga puwersa ng gobyerno at ng anti-communist paramilitary group Almara ang kanilang mga komunidad. Daan-daang mga mag-aaral ng komunidad ang hindi makapasok sa kanilang eskwelahan dahil sa pagpapasara sa mga ito at...
SI RIZAL SA USAPIN NG MGA LUMAD
Ang pahinang ito ay naglalaman ng piling laman ng mga akda ni Jose Rizal tulad ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo at mga piling liham na isinulat niya. Ipinapapakita dito kung paano tinitignan ni Rizal ang karapatang pantao.