lumad1 | lumad 2 | lumad | lumad 4 | lumad 5 |
---|---|---|---|---|
l2 |
Pagwawakas
Maaaring ang karapatang pantao noong panahon ni Rizal ay hindi pa napagtitibay dahil na rin sa kawalan ng unibersal na mga pamatayan ukol dito dahil ang United Nations at ang Universal Declaration of Human Rights ay naitatag lamang matapos ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig. Ngunit sa panahon ngayon na maraming mga treaties at kasunduan na ang napirmahan at maraming batas na rin ang naipasa, patuloy pa rin ang mga paglabag sa karapatang pantao dahil na rin marahil sa kawalan ng sapat na edukasyon at sa kultura rin ng impunity na, nakakalungkot mang aminin, ay laganap sa sistema ng ating bansa.
Dahil sa mga balakid na ito, ang karapatang pantao ay nanatiling mailap at nakasulat na lamang sa mg dokumento at papel. Ang mga Lumad ng Mindanao ay mga patunay na sa kabila ng kagandahan ng bawat salita sa mga deklarasyon, mga pangako ng mga istitusyon at paglipas ng panahon, patuloy at laganap ang mga paglabag sa karapatang pantao.
Ang mga isyu sa karapatang pantao ay hindi natapos sa pag-alis ng mga dayuhang mananakop sa Pilipinas. Maging sa panahong ng sinasabing demokrasya, maraming mga paglabag dito ang patuloy na naitatala. At nakakalungkot man isipin, ang mga kaisipan ni Rizal ukol dito ay patuloy na sumasalamin sa lipunan matapos ang mahigit isang daan taon. Ang mga Pilipino ay patuloy na nakikibaka para sa kanilang mga karapatan. Sa patuloy na pananaig ng kawalang katarungan at pang-aalipusta sa ating lipunang kasasalaminan ng di pagkakakapantay-pantay, ang mga aral ni Rizal ay nananatiling aaral na lamang.