top of page

ANG LABAN NG MGA LUMAD

               Noong nakaraang taon, naging usap-usapan ang mga Lumad ng Mindanao at ang kanilang karanasan sa kamay ng militar. Mayo 2015, higit 700 na mga Lumad ang napalayas mula sa Talaingod, Davao del Norte makaraang sakupin ng mga puwersa ng gobyerno at ng anti-communist paramilitary group Almara ang kanilang mga komunidad. Daan-daang mga mag-aaral ng komunidad ang hindi makapasok sa kanilang eskwelahan dahil sa pagpapasara sa mga ito at pananakot sa mga guro. Maraming insidente ng karahasan, pagpaslang, at panggugulo ang sinasabing naganap sa pagitan ng mga Lumad at ng mga militar.

Ang Lumad bilang mga Pilipino 

        Ang Lumad ay salitang Cebuano na nangangahulugang indigenous o native. Lumad ang katawagang ginagamit sa 18 na grupong etnolinggwistiko na ang lenggwaheng komon ay Cebuano. Parte sa grupong ito ang mga Atta, Bagobo, Banwaon, B’laan, Bukidnon, Dibabawon, Higaonon, Mamanwa, Mandaya, Manguwangan, Manobo, Mansaka, Subanon, Tagakaolo, Tasaday, Tboli, Teduray, and Ubo. Hindi sila mga Kristiyano, hindi rin Muslim. Pinamumunuan ang iba’t-ibang grupo ng datu o kaya nama’y bagani. Ang karaniwang hanapbuhay nila ay slash and burn farming at masasabing kakaiba o ‘di na karaniwang nakikita. Matatagpuan sila sa mga probinsya sa Mindanao kabilang ang Davao, Surigao, Dipolog, at Cagayan de Oro. Isa silang grupo na hangad ang self-determination tulad ng mga Moro.

           “The term Lumad is a specific term that refers to indigenous peoples in Mindanao. The term Lumad is a self ascription term, generic term to refer to indigenous peoples in Mindanao.” ayon sa chairperson ng Komisyon ng Karapatang Pantao na si Chito Gascon.

        Ayon sa Komisyon ng Karapatang Pantao, ang mga Lumad ay sumasakop ng halos 63% sa kabuuang bilang ng mga indigenous people o halos walong milyon. Ang mga Lumad ay binubuo ng 33 tribo.

        First nations, ayon kay Gascon, ang tawag sa mg gaya ng mg Lumad na indigenous people sapagkat sila ay nanirahan na sa mga lupang ito bago pa lumaganap ang migrasyon at bago pa ang pagdating mga mananakop. Dagdag pa ni Gascon ang mga indigenous people ay madalas may “communal identification”.

         Bahagi ang mga lupain na tinitirhan nila sa may malusog pa na kagubatan at maraming likas na yamang hindi pa nabubungkal. Ito ang hanap ng mga mining at logging companies—ang mga virgin na lupain. Kahit isa sa mga katungkulan ng lumad ay ang pag-alaga at pagprotekta sa kanilang ancestral territories, hindi nila maangkin ang kalupaan nila dahil nakapangalan na ito sa mga mayayamang korporasyong may interes dito. Kaya nagkaroon ng tunggalian laban sa mga Lumad at sa multinational mining at logging corporations na kung saan dehado ang mga Lumad na Pilipino.

         “They’ve been there since time in memorial. They’ve been living there peaceably. Pre-World War II, there have been few settlers. With migration to Mindanao, the settler community were, over time, pushing away the Moro people and the Lumad people. It’s very linked to the agrarian problem in Luzon and Visayas. The fact that the landlords refuse to address the problem of landlessness by distribution of lands in their areas.” ayon kay Gascon.

Dagdagan pa nito, sa tunggaliang militar, New People’s Army (NPA) at mga paramilitary group, ang mga Lumad ay naipit sa gitna.

Yutang Kabilin(Land of Heritage)

 
Paglabag sa Karapatang Pantao ng mga Lumad
 
 
Mga Pangyayari Bago ang ika-21 Siglo
 
 
 
 
 
 

Marso 2012

-Pinatay ng paramilitary group ang lider ng Matigsalog na si Jimmy Liguyon dahil sa hindi niya pagpirma sa dokumentong naglalayong i-develop ang kanilang lupain.

Hulyo 2012

 

-Pagpirma ni Pangulong Aquino sa Executive Order 79 on Mining na pabor sa mga pagmimina ng multinational corporations at pagsasawalang bahala ng mga layunin ng Lumad.

-Pinatay ang anak ng isang lider ng tribong Subanen. Ang lider na si Locencio Manda ay isa sa mga tagapagprotekta ng kanilang ancestral territory laban sa mga mining at logging operations sa lugar. Ang kanyang anak dapat ang magiging susunod na tagapagtanggol ng kanilang karapatan, kultura’t mga gawi ngunit siya’y pinatay at ‘di siya nabigyan ng hustisya.

-Nagkaroon ng pahayag si Manda na kumalat sa media at internet na hindi nya sinusuportahan ang “anti-mining advocacy” ngunit hindi ito nanggaling sa kanya dahil wala namang nakapag-interview sa kanya. Nais rin niyang sabihin na ang nais nila’y paano mabubuo ang kanilang karapatan bilang katutubo

Setyembre 2012

Disyembre 2013

-Pinatay ang inakusahang ‘di umanong isa sa apat na NPA na nakaenkwentro ng military. Sa pag-akusa nila’y napatay ang Lumad leader na si Pedro Tinga na bahagi ng Mansaka tribal council.

-Minassacre ang pamilyang Licuben na mula sa Binongan tribe.

-Binaril nang tatlong beses si William Bugatti, isang human rights worker at bahagi ng Tuwali Indigenous Tribe.

Marso 2014

-Ayon kay Datu Guibang Apoga, na nagsulong ng pangangayao noong 1994, ipaglalaban nila ang kanilang lupain. Kahit gusto nila ng kapayapaan kung sila’y papaalisin ay mapipilitan silang gamitin ang kanilang mga makalumang armas. Kung hindi aalis at rerespetuhin ng mga military ang kanilang lugar, lalaban sila para sa kapayapaan.

Mayo 2014

Pebrero 2015

-1652 katao ang nasa evacuation centers pa dahil sa mga kaguluhan sa kani-kanilang lugar. Pansamantala muna silang naninirahan sa Bunawan, Bayugan, at San Luis sa Agusan del Sur.

- Dahil sa pagsakop ng mga hinihinalang sundalo ng gobyerno at grupong paramilitar na Alamara sa ilang lugar sa Talaingod Davao del Norte, mahigit 700 na lumad ang napaalis sa nasabing lugar.

- Daan-daang estudyante ang nawalan ng pagkakataong makapag-aral nang ipasara ang 24 na paaralan na pinapatakbo ng Salugpungan Ta Tanu Igkanugon Community Learning Center.

Mayo 2015

Hunyo 2015

-Ang mga guro sa paaralan ay mapapalitan ng “para-teachers” o mga teacher na sundalo.

Hulyo 2015

-17 na lumad, kasama rito ang isang tribal leader, at 2 pulis ang nasugatan matapos pwersahing pabalikin ang mga lumad mula sa evacuation center pabalik ng kani-kanilang tirahan.

Agosto 2015

- 5 Lumad na hinihinalang kabilang sa mga rebelde ang pinatay ng special forces sa Pangantucan sa Bukidnon. Matapos ang paglalahad nila nito sa publiko, binawi nila ito at sinabing NPA ang  may sala sa pagpatay.

- Tatlong sundalo ang kinasuhan ng rape matapos gahasain ang isang katutubong Manobong babae mula sa Talaingod. Kinumpirma ng mga militar na kabilang ang tatlo sa kanilang grupo at ‘di umano’y  ang nagfile ng kaso sa tatlong sundalo’y umatras matapos bayaran ng militar.

-2 Lumad na magkapatid ang pinatay ng paramilitary group Bagani. Matapos nito’y nagsialisan ang mga residente malapit sa lugar ng aksidente.

Setyembre 2015

- Pinatay ang executive director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) na ang layunin ay magbibigay edukasyon sa Lumad sa mga lugar na di abot ng tulong ng gobyerno. Matapos nito’y nawalan ng tirahan ang 2000 residente mula Diatagon, Surigao del Sur

-Pinatay sa pampublikong lugar ang leader ng Maluhutayong Pagkabisog Alansa sa Sumusunod (Mapasu) na kilala sa pagprotekta ng ancestral lands at pagsulong ng kampanya laban sa paglaban sa karapatang pantao ng mga katutubo.

-10 bahay at 1 eskwelahan ang sinunog ng paramilitary group Magahat-Bagani.

1906
 Noong panahon ng pagkolonisa ng Amerika sa Pilipinas, nilabanan ito ng mga Lumad sa pamamagitan ng pagpaslang  kay Davao Governor Bolton na isang amerikano.
 Naipasok ang Dole pineapple plantation sa lupain ng Lumad dahil sa pagpayag ng mga B’laan.
1951
 Sinubukang impluwensiyahan ng mga Heswita ang mga Lumad ngunit hindi sila nagtagumpay. Maayos nilang naipakita ang pagnanais na protektahan ang kanilang kultura’t etnisidad.
1994
     Nadepensahan ni Datu Guibang at mga Manobo laban sa armadong grupo ang ancestral lands nila gamit ang makalumang sandata.
1993
  Nagdeklara ng pangangayao laban sa logging company si Datu Guibang Apoga (Talaingod, Davao del Norte).
 
1986
        Nabuo ang grupong Lumad na may 15 tribo na nadagdagan ng 3 tribo mula T’boli makalipas ang ilang taon.
Erita_Caion
l2
l3
l4
l5
l6
l7

             Ayon kay Ateneo School of Government Dean Antonio La Viña, ilang dekada na nangyayari ang paggamit ng paramilitary forces ng militar para sugpuin ang NPA sa mga lugar na sakop ng lumad ngunit hindi sila ang nasusupi dahil madali silang nakakaalis dito at ang mga Lumad na mismo ang nagdudusa. Dagdag pa nya na ang pag-atake ng militar at paramilitary groups ay pag-atake sa mga natitira pa at sa mga nagbibigay edukasyon o sa mga lumalaban para sa karapatan nila sa kanilang ancestral territory laban sa logging o mining companies. Dahil sa mga pangyayaring ito na militar ang kadalasang may sala sa kawalan ng karapatan, kawalan ng katahimikan o pagkamatay ng mga lumad, isinaad ng militar na karamihan sa NPA sa Eastern Mindanao ngayo’y Lumad.Nagkaroon ng pagtatalo kung bakit naitag bilang NPA ang isang batang mag-aaral sa pagkanta niya ng


“Lupang sinira, bayan ng magigiting
Alab ng puso, sa dibdib mo'y apoy 
Sa nayon at lungsod itinatag ang makabayang pamahalaan.
May tilamsik na dugo at awit sa paglayang minamahal 
Ang pula ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning”

 

            Ayon kay Neri Colmenares, maraming namamatay dahil sa ganitong mga kilos na para bang nabubuhay muli ang Martial Law mula sa mga pagkakamaling ito. At dahil lang kinanta ito’y nagiging NPA na ang isang tao? Ang punto naman ng 46th Chief of Staff ng AFP dito’y tungkol sa kung papaano nagamit ang kanta sa pagimpluwensiya sa isip ng mga bata. Isa pang pinupunto ng military ay ang pagbrainwash daw sa mga bata sa pamamagitan ng test paper results sa school. Ito ang nakalagay sa eksam “Pagdating ng Amerikano ay lalong lumakas ang pagmimina” na ang sagot ay True. Ang mga kaisipang ito’y laban sa nais ng mga Lumad na maging Ancestral protector sila o Cultural guard laban sa mga tagalabas at mga impluwensiyang labas.

            Dahil sa sobrang daming karahasan sa Lumad, nagkaroon ng mga movement upang isulong ang karapatan nila. Manilakbayan ang isa sa mga kilalang naglalayong itigil ang pagpatay sa mga katutubo. Layunin din nilang magkaroon ng forums sa paaralan, simbahan, at iba pang lugar na patungkol sa issue ng pagpatay at pang-aabuso sa kanilang mga karapatang pantao. Nais nilang ipatigil ang paglusob sa kanilang mga paaralan, at mga kabahayan ng mga militar at paramilitary na grupo. At isa pang importanteng layunin nila’y maprotektahan ang kanilang ancestral territory.

           Inamin din ni Gascon na ang problema kinahaharap ng karapatang pantao sa Pilipinas ay ang kultura ng impunity kung saan hindi nabibigyang parusa ang mga taong lumabag dito.

          “Persons who violate human rights are never held to account for those violations. We are never able to identify the perpetrator and if we re able to identify them, we never proceed against them. And if we are able to proceed against them and arrest them, we never charge them. If we ever charge them, they normally don’t get convicted. If they get convicted, they’re able to get away from their convictions. They are pardoned. It’s not a legal problem alone. It’s an administrative problem. It’s a governance problem. It’s also a cultural problem. We have great laws but the problem is in the execution, application of those laws where we have major constraints.”  ayon kay Gascon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

           Makikita na sobrang layo nitong mga pangyayaring ito sa nakagawiang sentro ng bansa. Maaaring likas pa rin sa Pilipinas ang loob, labas, at ibayong labas kung saan hindi masyadong napapansin ang mga pangyayari sa ibayong labas at naitatago ang kabuuang mga pangyayari rito. Kahit tayo ay naturingang isang bansa na dapat ay buo, mayroon tayong parte na nangangalingasaw at dapat na malinis. Kahit na puro paglabag sa karapatang pantao ang nararanasan nila roon, hindi ito magawan ng solusyon dahil sa kawalan ng pansin nito. Kailangang magkaroon ng pusong makabansa ang bawat Pilipino, bilang Pilipino, para sa Pilipino dahil tayo ay isa. Hindi iba ang Lumad sa Pilipino dahil bahagi sila sa kung ano tayo ngayon. Sakripisyo para mabuo, sakripisyo ng mga dakila para makalaya sa kaguluhang ito.

Imahe 1 at 2: Ang opisyal na pahayag ng Komisyon sa Karapatang Pantao hinggil sa pagpatay sa mga Lumad.

Imahe 3,4 at 5: Ang petisyon at pahayag ng mga Lumad ukol sa pagpatay kay Mayor Otaza.

bottom of page